Paggising Ko
ni Jude Bautista
Paano mo nalaman
Tinatawag ka ng
Puso ko,
Samantalang kahit
Ako’y di nakikinig
sa kanya?
Ikaw ang nahahaplos
At nakikita pagnakapikit
ang mga mata
Ikaw ang nagpamulat
ng pag-ibig na wagas
Nangangakong di kita
Iiwan magpakailanman
Di ako nagsusulat
O nagtutula subalit
Naguusap at nagkakaintindihan
lamang tayo ng tunay
Mahal ko